371

Jul 22, 2019 @ 16:26
By

Pacquiao ‘di kaya si Spence – Broner

Kahit pa natalo ni Manny Pacquiao noong nakaraang Enero, hindi pa rin nauubos ang kayabangan ni Adrien Broner.

Matapos ang split decision victory ni PacMan kontra kay Keith Thurman, sinabi nito na bilib siya sa naging performance ng ‘Pambansang Kamao’ kontra sa undefeated boxer.

Saad pa ni Broner, in-underestimate ni Thurman ang lakas at bilis ni Pacquiao kaya ito natalo.

Ngunit biglang kambyo si Broner, ibinida naman ang kanya sarili.

Saad ni Broner, mas naging maganda ang kanyang performance kontra kay Pacquiao dahil hindi umano basag ang kanyang mukha matapos ang kanilang laban.

“Of course, I came out looking like this,” ayon kay Broner, paglalarawan sa kanyang mukha matapos umano ang sapakan kay Pacquiao na tila pinapahiwatig na walang pinagbago.

Nang maitanong kay Broner kung kakayanin ba ni Pacquiao ang IBF welterweight champ Errol Spence, na lalaban kontra Shawn Porter sa Setyembre, ito ang kanyang naging tugon:“Hell, no!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?