150

Sep 19, 2021 @ 18:53
By

Pacquiao binira mga kawatan sa gobyerno

May babala si Senador Manny Pacquiao sa mga nagsamantala sa kaban ng bayan: Malapit na kayong magsama-sama sa kulungan!

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos niyang opisyal na tanggapin ang nominasyon ng kanyang grupo bilang kandidato sa pagka-pangulo ng PDP-Laban sa 2022 eleksyon.

“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan,” sabi ni Pacquiao.

“Your time is up! Binigyan namin kayo ng pagkakataon, nguni’t kami ay inyong binigo. Naghintay po kami ng mahabang panahon, ilang dekada na ang lumipas, pero wala ding nangyari,” dagdag pa nito.

Sa ngalan ng PDP-Laban, inihayag ni Pacquiao na handa siyang siyang gumabay at mamumuno sa panahon ng ‘kahirapan, pagbangon at pag-asenso.’

“Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord,” ani Pacquiao.

“Ang sabi ng bibliya, “With people this is impossible, but with God, all things are possible.” Walang imposible kung ito ay itinakda ng ating Panginoon,” dagdag pa nito.

“Kaya lalaban tayo! SAMAHAN NIYO PO AKO, ANG ANAK NG MAHIRAP!,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?