29

By

Pacquiao bibida sa WBC 3rd Women’s Convention at Asian Summit

Sharing is caring!

Bibida si Senador Manny Pacquiao sa magaganap na pagkilala ng World Boxing Council (WBC) sa mga Filipino world champion sa magaganap na WBC 3rd Women’s Convention at Asian Summit ngayong buwan.

Si Pacquiao ang bida sa spotlight bilang eight-division world champion na siyang kikilalanin at pararangalan sa convention.

Gaganapin ang naturang convention sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. Kikilalanin din ang mga naging tagumpay ng mga dating kampeyon na sina super featherweight Rene Barrientos, flyweight Frank Cedeno, featherweight Luisito Espinosa at super flyweight Gerry Peñalosa.

Bibigyang pagkilala rin sina flyweights Malcolm Tuñacao at Sonny Boy Jaro, sina light flyweights Rolando Pascua, Brian Viloria, at Rodel Mayol.

Maging ang bantamweight Nonito Donaire Jr. ay kikilalanin din sa magaganap na pagtitipon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?