301

By

Pacquiao bibida sa Hollywood war movie

Nakatakdang bumida si boxing legend Manny Pacquiao sa isang Hollywood movie na may temang giyera.

Ipo-produce umano ng Inspire Studios sa pakikipag-partner sa isang US studio ang Pacquiao movie na “Freedom Fighters”, na magsisimula sa 2020 at kukunan umano sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ayon kay Inspire Studios CEO Francis Ho, pinag-uusapan pa kung sino ang makakasama rito ng Pambansang Kamao.

Hango umano ang “Freedom Fighters” sa isinulat na memoir ni Louise Reid Spencer na “Guerilla Wife”.

Si Spencer ay isang World War II survivor na nanirahan sa Pilipinas nang sakupin ito ng Japanese.

Ang “Freedom Fighters” ay tungkol sa isang komunidad na “Hopevale”, na itinatag ng isang grupo ng mga Amerikano na tumulong sa mga rebelde na pinamumunuan ni Col. Macario Peralta Jr., na siyang gagampanan ni Pacman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?