67

Mar 4, 2020 @ 10:39
By

Pacquiao, balik boxing sa Hulyo

Kinumpirma ni Manny Pacquiao na plano niyang sumampa muli sa boxing ring sa darating na Hulyo 2020.

Huling nakaupakan ni Pacquiao si Kieth Thurman para sa WBA super welterweight title noong Hulyo 2019 kung saan nagwagi siya.

“My plan is to get back into the ring this coming July. Training should start in April, May, June. We have enough time,” aniya sa interview sa ANC nitong March 3.

Marami raw nakalinya na pwedeng makabakbakan niya gaya nina Mikey Garcia, Errol Spence at Terence Crawford pero dalawa ang nasa isipan niya.

“That’s Errol Spence and Mikey Garcia,” ani Pacman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?