41

By

Pacquiao, Apl.de.ap umeksena sa banatang Clippers-Hornets

Present sa Staples Center Miyerkoles (Martes ng gabi sa Amerika) si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao at ang Filipino pride na si Apl.de.ap sa laban ng Los Angeles Clippers kontra Charlotte Hornets para sa NBA Filipino Heritage Night.

Nagsilbing special guest si Pacquiao sa naturang laban samantalang nagtanghal naman si Apl.de.ap sa halftime.

Namigay din ang Clippers sa mga fan ng Apl.de.ap bobbleheads bilang parte ng kanilang special promotion.

Nagtweet din ang grupong Black Eyed Peas na kinabibilangan ni Apl.de.ap ng “Catch our brother at @LAClippers #FilipinoHeritageNight tonight! A portion of every ticket sold on http://clippers.com/filipino will include a donation to the @apldeap Foundation supporting education & technology for theyouth of the Philippines. See you there.”

Nasa Amerika pa rin si Pacquiao para sa kanyang huling bahagi ng training bilang paghahanda pa rin sa WBA 147-pound title defense fight niya kontra Adrien Broner sa Enero 19 (January 20 sa Pilipinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?