67

Dec 23, 2019 @ 15:13
By

Pacquiao, 2 pa kakaliskisan ni Spence

Ready to rumble.

Ito ang deklarasyon ni Errol Spence matapos masangkot sa car accident ilang linggo na ang nakararaan.

“I am the top dog in the division. I am the king of the welterweight division,” wika ng unbeaten, unified titlist kung saan hinamon pa nitong makasuntukan na ang mga kilalang pangalan sa boxing ring, kabilang na si fighting senator Manny Pacquiao.

“None of those guys wished that I wasn’t back so fast. I do want the top names. Whether it’s Manny Pacquiao, whether it’s Terence Crawford, whether it’s Danny Garcia, I do want the top names. I’ll definitely be back summertime… summer or spring, I’ll definitely be back next year.”

Nagpapakondisyon na si Spence para sa planong pagbabalik sa ibabaw ng ring sa Mayo o Hunyo 2020.

“I’m fighting around May or June. I already started training. I hit the mitts. I’m feeling real good and ready to come back,” dugtong pa ng American boxer.

Naaksidente ang 29-anyos na si Spence (26-0, 21 KOs) sa downtown Dallas matapos bumangga ang kanyang kotse. Anim na araw itong na-confine sa ospital kung saan nakasuhan ito ng Class B misdemeanor driving while intoxicated (DWI).

Si Spence na tubong Texas ay wagi sa huling laban nito noong Setyembre kontra kay Shawn Porter sa 12-round split decision sa Los Angeles, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?