165

Dec 12, 2017 @ 14:51
By

Pacquiao, 186 iba pa nagtapos sa military school

Nagtapos ngayong araw ang 187 estudyante at ilang reservists kabilang na si boxing champ at Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao matapos sumailalim sa schooling sa General Command and Staff College (GCSC) sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Lt. Commander Emerson Namoca, tagapagsalita ng Education and Training Command, ang mga magsisipagtapos na kinabibilangan ng boxing icon ay pawang ng GCSC Class 62.

Ang seremonya ay ginanap sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo.

Sumailalim ang mga ito sa ilang buwang schooling batay na rin sa patakaran na bawat estudyante at mga reservist sa GCSC ay dumaraan sa anim hanggang walong buwan na pag-aaral.

Ayon sa opisyal, sa kabuuang bilang ng 187 magsisipagtapos , 166 dito ang mga opisyal ng AFP na sumasalang sa schooling para sa kanilang promosyon at 21 naman ang mga reservist kabilang na si Pacman.

Matatandaang si Pacman ay unang pumasok bilang reservist ng Philippine Army noong Abril 2006 sa ranggong Sergeant. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?