26

Jul 12, 2021 @ 18:30
By

Pacman: Spence mas mahirap kalaban kaysa kay Floyd

Para kay Senador Manny Pacquiao, mas magaling ang makakalaban niyang si Errol Spence Jr. kaysa kay Floyd Mayweather Jr.

“Errol doesn’t need to have advice from Mayweather, I believe Errol is better than Mayweather. He is a [better] fighter than Mayweather,” pahayag ni Pacman.

Hawak ni Spence ang WBC at IBF welterweight belts na isusugal niya laban sa Pinoy boxing icon.

Malinis din ang kanyang record na 27-0, 21 knockouts.

At kahit mas bata at mas malaki si Spence at ngayo’y 42-anyos na si Pacquiao, pinaliwanag ng senador kung bakit siya ang napili niyang makalaban.

“There were a lot of opportunities to pick much easier fights compared to Errol Spence. But I decided to pick Spence because I want to give a good fight to the fans and I want a real fight,” saad ni Pacquiao.

“I am a fighter and boxing is my passion. Spence is an aggressive fighter, undefeated, young, and dedicated to his career. He is not an easy opponent. He is the kind of fighter that you never and cannot underestimate,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?