658

By

Pacman, Broner ginamit sa ‘Kara-Mia’ meme

Hanggang ngayon ay mainit na topic pa rin ang pagwawagi ni Manny Pacquiao laban kay Adrien Broner. Ang mga artista nga ay may kanya-kanyang pagbati kay Pacman.

Marami nga ang humanga kay Pacman, na ang sabi nga, “40 is the new 25” dahil sa lakas na ipinakita ni Pacman sa laban!

Kanya-kanyang suporta nga ang mga artista tulad ni RK Bagatsing, na nanood talaga ng laban kasama ang mga kaibigan niya. Si Barbie Forteza naman ay very much Kara-Mia ang peg sa instagram story sa kanyang pagbati kay Pacman, nakalagay ang mukha ni Broner at Pacman na magkatalikod nga na parang Kara-Mia.

Siyempre, hindi mawawala ang suporta ng Padilla family lalo na ni Robin.

“Mabuhay! Maraming salamat sa pagbigay saya at karangalan sa ating bansa!! Congratulations, @mannypacquiao ang tagumpay mo ay tagumpay ng bawat Pilipino!” sabi ni Robin.

Nagbunyi rin sina Heaven Peralejo at Kyle Echarri.

At sabi nga ng marami, considered as back to back win ang pagwawagi ni Pacman at ni Catriona Gray, na kahit hindi naman naganap sa parehong taon pero magkasunod na buwan lang ang pagitan ng kanilang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?