233

Jan 20, 2019 @ 13:13
By

Pacman binisita ni Mayweather bago ang laban sa Las Vegas

Habang naghahanda sa kaniyang laban ay binisita si Manny Pacquiao ni Floyd Mayweather Jr. sa kaniyang locker room.

Ayon sa isang veteran boxing reporter ng Yahoo! Sports na si Kevin Iole, bumisita si Mayweather kay Pacman at nag-good luck ito sa Filipino boxing icon habang naghahanda si Pacman na depensahan ang kaniyang WBA World welterweight belt laban kay Adrien Broner sa MGM Grand sa Las Vegas.

Nakasuot na kay Pacquiao ang kaniyang ring gear nang dumating si Mayweather.

Makikita sa twitter video ni Pacman na kinamayan ni Mayweather ang kaniyang mga staff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?