16

By ,

Pacman balik-basketbol, paramdam agad sa UNTV CUP

Sharing is caring!

Mga Laro sa Linggo, Setyembre 9

(Pasig City Sports Center)

3:30 p.m. – Agriculture vs PhilHealth

5:00 p.m. – PNP vs GSIS

Umarangkada na si Senador Manny Pacquiao sa 7th UNTV Cup Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Sinimulan na ng Senate Defenders ang kanilang kampanya para muling masungkit ang kampeonato matapos alapasan ang Philippine International Trading Corporation Global Traders 73-70.

Nakapagtala ng dalawang tres ang Pambansang Kamao sa unang canto, pero halatang nahirapan ang Defenders bago tuluyang manalo kontra Global Traders.

“What a win to start our title-retention bid,” saad ni Senate coach Mike Fermin. “Very scary, that’s why I told my players we can’t relax because everybody is after our heads.”

Nagawang makalamang ng 12 puntos, 24-12, ng Defenders sa pay-off period sa tulong ng dating PBA player na si Jeff Sanders at Gary Sevilla upang masikwat ang panalo sa torneo para sa mga public servant.

Ang mananalong tropa ay tatanggap ng P4 milyon para sa kanilang charity habang ang charity naman ng runner-up ay tatanggap ng P2 milyon.

Nanguna para sa Defenders si Sevilla na may 20 puntos habang sina Sanders at Pacquiao naman ay may 14 at 12 puntos sa kanilang pangalan.

Hinati sa dalawang grupo ang 12 koponan na sumasalang sa torneo.

Kabilang sa Group A ang Senate, AFP, PNP, GSIS, DOJ at PITC habang Group B naman ang Judiciary, Malacanang-PSC, Agriculture, NHA, Ombudsman at PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?