35

Dec 11, 2017 @ 14:41

Pacers lusot sa Nuggets sa OT

Patuloy ang impresibong laro ni Victor Oladipo matapos magpakawala ng 47 na puntos upang balikatin ang Indiana Pacers sa overtime win kontra Denver Nuggets, 126-116, nitong Linggo (Lunes, PH time).

Nalimitahan lang ng Pacers ang Nuggets sa 12-2 sa extra period.

Naghabol ang Indiana mula sa eight-point deficit sa huling tatlong minuto ng regulasyon at ang putback ni Thaddeus Young sa 5.5 segundo ang nagpuwersa ng laro sa overtime.

Si Myles Turner ang unang nakabuslo sa umpisa ng overtime period ngunit si Oladipo na ang nagpakitang-gilas dito. Naisalpak niya ang pang-anim na 3-point shot sa 3:10 natitira sa orasan at lamang na ang Pacers, 121-114.

Maliban sa dambuhalang puntos ay nakatulong din si Oladipo ng seven rebounds at six assists.

Sa huling segundo ng overtime na sigurado na ang panalo ng Pacers ay hinarana na si Oladipo ng fans sa Bankers Life Fieldhouse ng mga katagang ‘M.V.P.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?