26

Dec 19, 2017 @ 12:51

Pacers, diniskaril ng Celtics sa manipis na 112-111 win

Nadiskaril ang dapat sana’y panalo na ng Indiana Pacers matapos makaagaw ng bola at maka-dunk sa nalalabing 1.5 segundo si Terry Rozier, ang resulta: naiuwi ng kanyang koponang Boston Celtics ang manipis na 112-111 win nitong Lunes (Martes, Manila time).

May 30 puntos si Kyrie Irving para sa Boston habang tumulong din ng 14 points, 10 rebounds at siyam na assists si Al Horford.

Sa krusyal na posesyon, binalak ng Celtics na ma-trap si Indiana’s Bojan Bogdanovic sa sideline. Bunga nito’y naipasa nang mataas ni Bogdanovic ang bola na dapat sana’y kay Victor Oladipo malapit sa midcourt pero naagaw ang bola ni Rozier at nai-dunk sa kakarampot na segundong natitira.

Nakaiskor ng 12 sa kanyang 38 points si Oladipo sa huling dalawang minuto ng laro, kabilang na ang 3-pointer kaya’t nakuha ng Pacers ang una nilang kalamangan sa 53 segundo.

Nag-umpisa naman ng dominanteng laro ang Boston sa first quarter, kung saan abante sila, 12-0, at napalobo pa ito sa 18 points at sa pagtatapos ng halftime ay 62-47 ang iskor.

Nagawang mapababa ito ng Pacers sa single digit deficit sa third quarter at sa fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?