35

Oct 24, 2020 @ 14:52
By

PACC ayaw ikanta pangalan ng nangurakot sa DPWH

Tumanggi si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na ibigay ang mga pangalan ng mga mambabatas na nangungurakot sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Paliwanag ni Belgica, gumugulong pa ang imbestigasyon kaya’t ayaw makalampag ang taong kanilang sinusuri sa alegasyon ng korapsyon.

“I don’t want to do blind items or make a bulletin board or noise board of our investigation dahil kung sasabihin ko kung sino ang iimbestigahan bago ang inquiry or sino ang suspects, para ko pong sinabi doon sa huhulihin na huhulihin siya and that will compromise the investigation,” lahad ni Belgica.

Matatandaan na inungkat sa Senado ang abot sa P345B na lump sum sa proposed budget ng DPWH.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing talamak ang korapsyon sa DPWH, at plano ring bumuo ng task force para matugunan ang problema sa ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?