255
manny-pacquiao-floyd-mayweather
Sep 16, 2019 @ 17:13
By

Pac-May sa Japan sinopla ni Gibbons

Sinopla ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ang panibago na namang papampam o papansin ni Floyd Mayweather, Jr. hinggil sa sinasabi niyang `exhibition game’ nila ng fighting senator sa Japan.

Sa post sa social media ni Mayweather ay sinabi nito na niluluto na ang exhibition game nila ni ‘Pambansang Kamao’.

“Mayweather vs. Pacquiao exhibition Tokyo Japan coming soon Betrnk.com #TMT Japan,” sabi sa Instagram post ni Floyd.

Sinundan pa niya ito ng video na nagsasaad ng “Money May, Money May, Money May… Money May all day. What I’m working on right now is the Mayweather-Pacquiao exhibition right here in Tokyo, Japan. Stay tuned.”

Umani ng mahigit 100K `likes’ mula sa viewers ng social media ang pinost ng 42-anyos na American boxer. Gayunma’y itinanggi ito ng kampo ng fighting senator.

“All nonsense,” pahayag ng president ng MP Promotions na si Sean Gibbons sa mga buladas ng 42-anyos na boxer. “No idea what that is,” sambit pa ng renowned matchmaker na si Gibbons sa mga lumabas na ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?