65
carlos-isagani-zarate
By

Pabuya sa pag-aresto sa ‘Makabayan 4’ i-donate sa mga binaha – Zarate

Sharing is caring!

Pinapanagot ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga nasa likod ng tinawag nitong ‘harassment charges’ laban sa apat na dating kongresista.

Kasunod ito ng desisyon ng Palayan RTC na ibasura ang kasong double-murder laban kina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino, dating Gabriela Rep. at NAPC Sec. Liza Maza, at former Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Ayon kay Zarate, dapat managot si Atty. Ferdinand Topacio at kanyang “minions” sa paglagay sa balag ng alanganin ng seguridad ng “Makabayan 4” dahil sa alok na pabuya para sa pag-aresto sa mga ito.

Hinamon rin ng kongresista si Topacio na i-donate ang P4 milyon sa mga biktima ng pagbaha sa Metro Manila.

“At the very least, we challenge him to donate the P4 million bounty he supposedly raised against the progressive leaders to the evacuees hit by the torrential rains in NCR and other areas,” sabi ni Zarate.

Pinasalamatan naman ng mambabatas si Palayan, Nueva Ecija RTC Judge Trece Wenceslao na hindi ito nagpadala sa pressure.

“We thank Judge Wenceslao for his impartiality and for not succumbing to pressures to act against the Makabayan 4 and for dismissing these clearly preposterous trumped-up charges,” ani Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?