90
Pablo sa mga fan: Sprain lang ito!
By

Pablo sa mga fan: Sprain lang ito!

Disgrasya ang sinapit ni Motolite ace spiker Myla Pablo sa laban nitong Linggo kontra PetroGazz Angels sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Sa second set ng laban, nag-tweak ang right ankle ni Pablo nang sana’y aatake ito.

Dahil sa sobrang sakit, napahiga ito sa sahig.

Kinailangan i-stretcher palabas ng court si Pablo na agaran namang nilapatan ng paunang lunas at hindi na nakabalik pa sa laban.

Ayon kay Motolite physical therapist Hannah Untalan, nagtamo si Pablo ng metatarsal sprain.

Nag-post naman si Pablo sa kanyang Twitter ng pasasalamat sa kanyang mga fan (@iamMylaPablo).

“Thank you guys for all the support and prayers for my immediate recovery but nothing to worry because it’s just a sprain and I just need to rest a little bit but rest assured that I’ll be back inside the court in no time. God bless us all and I love you all!”

Samantala, hindi naman pinalad manalo ang Motolite, 21-25, 16-25, 26-28 laban sa Petrogazz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?