186
Pablo nanibago matapos magarahe ng ilang linggo
Jun 20, 2019 @ 16:27
By

Pablo nanibago matapos magarahe ng ilang linggo

Ikinatuwa ng maraming Motolite fans ang pagbabalik ni ace spiker Myla Pablo nitong Miyerkoles sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference.

Humataw na ang Motolite team captain matapos ang anim na larong pahinga dahil sa back injury.

“Happy kasi ilang weeks din ako hindi nakapag-training,” wika nito. “Almost three weeks din hindi nakapag-practice tapos ngayon bumalik ako one week lang ‘yung practice ko so medyo naninibago ako sa loob ng court.”

Tanging dalawang sets lamang ang nilaro ni Pablo laban sa Creamline Cool Smashers nitong Miyerkoles.

“Medyo naninibago ako sa loob ng court,” saad nito, “Pero hindi ko iniisip, basta sinasabi ko lang na gusto ko maglaro,”

Tatlong puntos lang ang naiambag ni Pablo sa straight sets loss 15-25, 20-25, 23-25 kontra Cool Smashers.

“Siguro kahit papaano natulungan ko ‘yung team ko at least nabigay ko ‘yung best ko but I think kulang pa,” aniya.

“Nasa 60 percent pa lang ako ngayon.”

Nasa 2-5 win-loss record ngayon ang panig Motolite katambal ang BanKo Perlas Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?