28

By

Pablo, Motolite rumesbak sa BanKo

Iginanti ni Myla Pablo ang Motolite kontra BanKo Perlas, 26-28, 25-14, 25-19, 25-17, sa Game 2 ng kanilang best-of-three battle for 3rd ng PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre nitong Sabado ng gabi.

Nagpasabog ng game-high 26 puntos si Pablo sa likod ng 24 attacks at 2 blocks para ibawi ang pagkakatalo nila noong Miyerkoles matapos silang walisin ng BanKo.

Umagapay rin sa opensiba si Tots Carlos sa inilistang 19 points habang pasabog ng 15 markers si Issa Molde kasama para itabla ang serye sa 1-1.

Kung matalo ang Creamline kontra PetroGazz sa Game 2 kagabi ng kanilang best-of-three finals ay mabibigyan pa ng pagkakataon na umarangkada ang Motolite at BanKo sa Game 3, ngunit kung magkapmeon na ang Creamline ang kampeonato ay matic nang third placer ang BanKo dahil lamang sila sa nakuhang set nitong battle for 3rd.

Sinandalan ni Motolite head coach Godfrey Okumu si Arielle Estranero na tumoka sa floor defense matapos gumawa ng 17 excellent digs habang magandang padala naman ang ginawa ni Iris Tonelada na tumapos ng 25 excellent sets.

Hindi naman naging sapat ang ginawang 12 points ni Nicole Anne Tiamzon para sa BanKo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?