211

Mar 18, 2020 @ 12:52

‘Pabida bill’ ng ‘sangganong’ kongresista, sinopla ni Ridon

Binakbakan ni dating Undersecretary Terry Ridon ang kontrobersyal na si Party-list Cong. Alfredo delos Santos matapos itong maghain ng umano’y ‘pabida’ na panukala sa likod ng nakaambang banta ng COVID-19 virus sa bansa.

Nag-init ang ulo ni Ridon matapos mabalitaan na naghain kamakailan si delos Santos ng isang panukalang batas na naglalayong parusahan ang sinuman na sasadyaing ilihim ang kanila travel history mga lugar na laganap ang pagkakaroon ng nakahahawang sakit na posibleng maging sanhi ng pagkawaha ng mga medical front liners na sumusuri sa mga pasyente.

Ang panukala ni delos Santos na isang assistant majority floor leader ng Kamara at first nominee ng Ang Probinsyano Party-list ay naglalayon magkaroon ng mandatory full disclosure ng mga nakaraang byahe sa loob at labas ng bansa ang mga persons under investigations (PUIs) at pinaghihinalaang kontaminado na ng COVID-19 upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus, lalo pa at ang mga medical personnel ang nagsisilbing mga frontliner sa nasabing nakamamatay na sakit.

Giit ni Ridon, hindi ito ang panahon upang mag-pabibo o magpa-pogi ang mga politiko gaya ng inihain ni delos Santos—na naging laman ng mga balita noong isang taon matapos suntukin ang waiter ng Biggs Diner sa Legazpi City—lalo pa at nahaharap sa nakaambang krisis pang-medikal ang bansa.

“Today is not the time for pabida bills like this, when there is an actual health crisis before all of us, and Congress is not in session to deliberate the matter, even to put a number on the bill,” wika ni Ridon.

Dagdag pa ng dating Kabataan Party-list congressman, mahirap ang gustong ipilit ni delos Santos sa kanyang panukala lalo na kung talaga bang sinadyang ilihim ng isang tao ang pagkakaroon nito ng nakakahawang sakit.

Samantala, bigo pa rin ang pamunuan ng Ang Probinsyano na bigyan ng karampatang parusa si delos Santos matapos ang asal sanggano nito na nakunan pa man din ng CCTV camera ng nasabing restaurant.

Una ng nangako si Atty. Joco Sabio na hindi magdadalawang isip ang pamunuan ng kanilang party-list na alisin si delos Santos kung mapapatunayan na umabuso ito sa kanyang pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?