22

By

Pabahay sa mga sundalo’t pulis, pinapopondohan ni Duterte

Sharing is caring!

Hiniling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isama sa 2019 national budget ang pondo para sa proyektong pabahay para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sinabi ito ni Duterte sa meeting nila ni GMA sa Malakanyang kagabi (Martes).

Sa pahayag ng Office of the Speaker, sinabing pinapopondohan rin ng Pangulo ang water system sa pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang 2019 budget at ngayo’y nasa proseso nang pag-amyenda ng binuong small committee.

Tiniyak naman ni Arroyo sa Presidente na palalawigin hanggang sa katapusan ng 2019 ang validity ng P19.6 billion National Disaster Risk Reduction Management Fund para sa rehabilitasyon ng Marawi City na nakapaloob sa Joint Resolution ng Senado at Kamara.

Tinalakay rin daw ng dalawa ang ilan pang mga panukalang batas na nakabinbin sa Mababang Kapulungan kabilang ang pagsasagawa ng bicameral conference sa coco levy fund bill.

Kasama rin sa meeting sa Palasyo sina House Majority Leader Rolando Andaya Jr., Bohol Rep. Arthur Yap, at Special Assistant to the President Bong Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }