60

Sep 8, 2021 @ 14:30
By

Pabahay sa mga iskwater posible sa 3 taon – Pacquiao

Iginiit ni Senador Manny Pacquiao na pangarap niyang mabigyan ng sariling bahay ang 10 milyong mga informal setter at kanilang pamilya.

Sa online interview ng mga reporter, naniniwala ang senador na kaya ng pamahalaan na mabigyan ng libreng pabahay para sa 1.9 milyong mga nakatira sa iskwater sa loob lamang ng tatlong taon.

“Pangarap ko na mabigyan ng pabahay ang lahat ng informal settlers sa buong Pilipinas, ang sabi ng mga ibang tao, imposible yan kasi sa puso nila nandun yung greediness,” sabi ni Pacquiao.

Batay sa datos ng gobyerno, sinabi ni Pacquiao na 1.9 milyong informal settler sa buong bansa at 25 porsyento ay nasa Metro Manila.

“In three years po lahat yan, magkakaroon ng sariling tahanan. Wala pong babayaran,” ani Pacquiao.

“Ito pong pabahay ko, hindi po ito imposible. Possible lahat po itong sinasabi ko, alisin lang po natin yung greediness sa puso natin,” sambit pa nito.

Bukod sa mga informal settler, target din ni Pacquiao na magkaroon ng sariling bahay ang 6.7 milyong pamilya na pang sariling tirahan.

“Pati yung mga nagrerenta nasa 6.7 million families na wala pong bahay at yan po ang target natin. At uunahin po natin yang mga informal settlers,” ayon pa kay Pacquiao. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?