17

Jun 24, 2022 @ 15:15
By

Pabahay sa kawani ng gobyerno sana ituloy ng susunod na administrasyon — Duterte

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ng susunod na administrasyon ang mga programang makapagpapasaya sa mga tao gaya ng mga mura at maayos na pabahay.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo matapos pangunahan noong Huwebes ang pamamahagi ng titulo sa mga sundalo, pulis at mga kawani ng gobyerno na nag-avail ng pabahay sa Madayaw Residences sa Tolomo District, Davao City.

Sinabi ng Pangulo na dapat ibalik sa mga tao ang kanilang pera sa pamamagitan ng mga programang mapapakinabangan ng mga ito, gaya ng pabahay.

Batid ni Pangulong Duterte na maraming manggagawa ng gobyerno ang walang sariling bahay at nangungpahan lamang, na ang iba ay halos hindi komportable dahil pinagkakasya batay sa kanilang kita.

“I hope that the next administration will also continue the things that would make our people happy. Although not all but may makita sila that we are doing something with the money of the people. The low-cost housing program is our way of giving back to the country’s hardworking uniformed personnel and civil servants,” anang Pangulo.

Gusto sana ng Pangulo na ipagpatuloy ang programa subalit matatapos na aniya ang kanyang termino kaya hiniling aniya kina senador Bong Go at Senador Jayvee Ejercito na ituloy ng mga ito ang programang pabahay para sa mga Pilipino.

“Ibig kong sabihin bumabawi lang rin ang gobyerno sa sakripisyo ninyo. And these are the things that we would like to continue sana but hindi ko na panahon. So I hope that the program — nandito man si Senator — ‘yung dalawa, sana sila na ang mag-udyok sa administrasyon na hindi kalimutan ‘yung mga proyektong naumpisahan na napakaganda. Masuwerte kayo kasi incoming chair pala si JV. Housing Committee?Housing Committee sa Senate, mabigat ‘yan. Kaya niya. Kaya niya ang — kaya niyang i-sway ‘yung — i-drift towards the continuance of the program,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito hiniling ni Pangulong Duterte sa National Housing Authority (NHA) na lalo pang paigtingin ang mandato para tugunan ang pabahay para sa mga Pilipino, lalo na ang mga walang bahay at maliliit ang kita na mga pamilya para matulungang mabago ang kanilang buhay.

“As the agency transitions under a new leadership in a few days, I urge the NHA to intensify its mandate of addressing the housing needs of our countrymen, especially the homeless, marginalized, and low-income families. I am confident that your steadfast efforts in the succeeding administration will redound to a more active, participative and productive society,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?