41

Nov 3, 2017 @ 14:50

Pabahay para sa sumukong NPA, suportado ng DND

Suportado ng Department of National Defense (DND) ang alok na pabahay at kabuhayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susukong miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang alok na disenteng pamumuhay ng Pangulo sa mga rebelde ay patunay na seryoso ang pamahalaan sa adhikaing magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.

Dahil dito maging ang Defense Department ay hinihikayat ang mga miyembro ng NPA na ihinto na ang kanilang mga iligal na aktibidad at magbalik-loob na sa pamahalaan.

“We reiterate our call for the NPA to stop all their illegal activities, return to the fold of the law, and be part of the real change that the President has spearheaded for the betterment of our country and the lives of our people,” ani Lorenzana.

Sa kasalukuyan, ayon kay Lorenzana, marami na ang kusang-loob na sumuko sa gobyerno. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?