housing
By

Pabahay para sa mga pulis, sundalo inokupa ng Kadamay

Sharing is caring!

Nagkapit-bisig ang nasa 500 miyembro ng militanteng grupong Kadamay para okupahan ang housing project para sa mga pulis at sundalo sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules.

Ayon sa report, dumating sa lugar ang mga militante sakay ng jeepneys alas-singko ng madaling-araw.

Agad umanong inokupahan ng mga miyembro ng Kadamay ang mga bakanteng bahay sa Phase 1-A.

Sinubukan din umano ng grupo na okupahan ang mga bahay sa Phase 1-B sa naturang housing project site pero bigo ang mga ito.

Binansagan nila itong “Bantayang Bahay Para sa Karapatan at Katiyakan sa Paninirahan”.

“The Bantayang Bahay was a peaceful protest asserting the fundamental right to shelter and against the continuing flaws of the Philippine housing sector now under the Duterte government,” ayon sa pahayag ng Kadamay.

“Isang taon na kaming mga homeless dito at lumalapit sa NHA at sa LGU para makipagdiyalogo pero kahit ngayo’y may batas na para patirhan ang mga tiwangwang na pabahay na ito, wala silang tugon. Sa halip, nagpapatira sila ng mga tao nila o kaya mga taga labas naman,” ani Lilybeth Gelit, tagapagsalita ng Montalban Homeless Alliance, na ang local chapter ay miyembro ng Kadamay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?