51

Oct 5, 2019 @ 21:10
By

Paat, PH squad taob sa Thailand

Hindi umepekto ang homecourt advantage ng Philippine women’s volleyball team nang walisin sila ng Thailand sa tatlong set, 12-25, 16-25, 10-25, kagabi sa ASEAN Grand Prix 2019 sa Sta. Rosa Multi-Complex Gym.

Nanguna para sa Thailand si Pimpichaya Kokram matapos gumawa ng 11 points mula sa ginawa niyang 10 spikes upang iarangkada ang koponan sa 2-0 kartada.

Umagapay rin para sa Thailand si Onuma Sittirak matapos pumalo ng walong attacks para kolektahin ang 10 points niya sa laro.

Namuno naman sa opensa ng Philippine side si Mylene Paat na may pitong puntos sa likod ng anim na attacks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?