39

Dec 8, 2021 @ 22:32
By

Paat, Nakhon Ratchasima inalat

Mapakla ang debut ni Mylene Paat para sa Nakhon Ratchasima QMinC VC makaraang tumiklop kontra Diamond Food Fine Chef Club, 24-26, 25-23, 23-25, 15-25, sa 2021-22 Women’s Thailand Volleyball League sa MCC Hall The Mall sa Bangkapi, Bangkok Miyerkoles.

Dikit ang labanan sa 22-all sa third set nang bumomba pagkaraan ang Diamond Food at tuluyang ibagahe ang bahagi. Rumagasa pa sa fourth stanza ang Diamond Food, 16-13, at pinalobo ang kalamangan, 21-14.

Sunod na makakabangga ng Nakhon Ratchasima ang Khonkaen Star sa Disyembre 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?