0
views

By

Paaralan sa Pasig, nasunog

Sharing is caring!

Sumiklab ang sunog sa isang elementary school sa Pasig City ngayong Sabado ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP), tinupok ng apoy ang ika-anim na palapag ng Nagpayong Elementary School sa nabanggit na lungsod.

Nagsimula umano ang sunog dakong alas-11:15 ng umaga na itinaas sa ikalawang alarma makalipas ang walong minuto.

Idineklara namang fire out ang sunog dakong alas-11:55 ng umaga.

Samantala, kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?