601

May 9, 2019 @ 10:05
By

Paanong nasama sa matrix? Hidilyn Diaz, Gretchen Ho respetado – Lacson

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang pagkakasama nina Gretchen Ho at Olympiad Hidilyn Diaz sa bagong matrix na inilabas sa Palasyo.

Sa tweet ni Lacson, inilarawan niya sina Ho at Diaz bilang mga respetadong indibiduwal na malabong masama sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Weightlifter Hidilyn Diaz has brought honor to the country while journalist Gretchen Ho has carved out a name for herself in her field, both through discipline and hard work,” ayon sa mambabatas.

Nagtataka rin si Lacson kung saan nakuha ng Palasyo ang pangalan nina Ho at Diaz

“Their inclusion in the matrix either involved excellent intelligence work or Bikoy had infiltrated NSA,” giit pa ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?