sister-pat-fox
By

Paanong naging banta ang 71-anyos na madre? – Binay

Sharing is caring!

Nakiisa si Senadora Nancy Binay sa pagkundena sa pagdakip ng Bureau of Immigration (BI) sa 71-anyos na Australyanong madre na si Sister Patricia Fox.

Kaysa si Sister Fox, sinabi ni Binay na ang mga dayuhang sex offender at mga kasapi ng Chinese drug cartel ang dapat inuna ng Immigration.

Para sa senadora, lumabis sa kapangyarihan ang Immigration dahil dinakip ang madre na wala namang nilalabag na batas ng bansa at sa katunayan ay tumutulong pa umano sa mga mahihirap.

Idiniin na hindi katanggap-tanggap kung ikakatwiran na banta sa seguridad si Fox dahil bukod sa may edad na ito, tumutulong pa umano sa mga mahihirao.

“Apparently, the Bureau of Immigration used excessive authority in connection with the arrest of Sister Patricia, and has acted on a mistaken perception plucked from an imaginary threat. Ang tanong eh ‘how can a 71-year old nun be a threat to society?’,” pahayag ni Binay.

Dinakip kahapon si Sister Fox, Mother Superior ng Our Lady of Sion, batay sa mission order ni BI Commissioner Jaime Morente.

“How can an Australian religious person be as outlawed as those Chinese syndicates in the country involved in drugs, gambling and prostitution?” Tanong ni Binay.

“What pose as threats to people and society are drugs, terrorism and sex offenders. Being a Christian nation, we welcome foreign observers and religious missionaries to stay in the country as long as they complied with existing laws,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?