61,209

Jan 13, 2022 @ 15:36
By

Paano si Andrea? Francine, Seth magkasama magdiwang Bagong Taon

Nagulantang ang mga tagasuporta nina Francine Diaz at Seth Fedelin matapos lumutang ang isang larawan kung saan makikita na magkasama silang nagdiwang ng Bagong Taon.

Ito ay matapos na mag-post ang ina ni Francine ng mga larawan nilang buong pamilya kasama si Seth.

Sa ngayon, naka-private na ang account ng nanay ng aktres, ngunit kalat na sa social media ang litrato.

Marami ang kinilig lalo pa’t bagay umano ang dalawa, ngunit marami rin ang nag-alala para kay Andrea Brillantes.

Matatandaan kasi na si Andrea ang naging ka-loveteam ni Seth sa “Kadenang Ginto” na nagtuloy hanggang sa iba pa nilang proyekto.

Dati na ring ipinahayag ni Andrea na “special friend” ang turingan nila ni Seth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?