314

By

Paano? Pacquiao grumadweyt din sa wakas

Matapos laitin noon ng brodkaster na si Karen Davila sa kanyang educational attainment, nagtapos nitong Miyerkoles, Disyembre 11 si Senador Manny Pacquiao sa University of Makati (UMak) sa kursong Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration.

Kasama si Pacquiao sa 400 nagsipagtapos sa unibersidad kung saan kinumpirma ang kanilang degree ni acting UMak President Makati City Mayor Abby Binay.

Bago ang kanyang graduation ceremony, nag-post si Pacquiao sa kanyang Facebook page ng isang throwback picture na may caption na: “Dream it. Believe it. Achieve it.”

Ang kanyang asawang si Jinkee naman ay nagpahayag ng pagbati at pagmamalaki sa kanyang FB at Instagram sa tinapos ng kanyang asawa.

Nakuha ni Pacquiao ang kanyang high school diploma matapos pumasa sa accreditation at equivalency test.

Nagsilbi siyang ambassador ng Alternative Learning System ng Department of Education noong 2007.

Noong 2008, kumuha ng kursong administration si Pacquiao sa Notere Dame of Dadiangas.

Bagama’t maraming natuwa sa achievement ng senador, may ilan namang nilait pa rin ang kanyang pagtatapos sa UMak.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon sa social medial:

@Niquie Soliman: Binayaran lang yan hahaha Joke… Congrats Sen. Manny.

@Pinggoy M. Ortega: Magkano ang donation haha. Lagi ngang absent sa Senate.

Naglabas din ang tanggapan ni Pacquiao ng litrato na dumalo sa kanyang graduation ceremony at suot ang kanyang toga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?