6

By

Paano magiging ligtas sa mga concert

Sharing is caring!

Ang mga concert ang isa sa pinakamasayang karanasan mapa-bata man o young at heart, ngunit kasabay ng kasiyahan ay pagsasaalang-alang ng personal na seguridad.

Nitong nagdaang mga araw ay ilan na ang napabalitang mga masamang pangyayari sa concert, mayroong mga nahulihan ng iligal na droga, samantalang ang iba naman ay nagkakaroon ng kaguluhan dahil sa crowd na tila walang kontrol sa kanilang mga gawi.

Ito ang ilan sa mga tips upang mapanatili ang inyong kaligtasan habang ini-enjoy ang sarili sa magandang tugtugan.

• Maghanap ng kasama – Hindi masyadong safe kung pupunta ng concert na walang kasama lalo’t sa bugso ng dami ng tao ay posibleng magkaroon ng aberya. Kapag may kasama ay at least may makakapitan ang concert-goer at hindi aasa sa isang stranger. Maganda rin kung magkakaroon ng meeting point para kung sakaling magkahiwalay ay may mababalikan.

• Maging aware sa paligid – Bago magliwaliw sa concert, tingnan muna kung sino ang mga makakatabi at kung kahina-hinala ay dumistansya na. Tingnan din ang mga entrance at exit point para alam kung saan tutungo sa dagsa ng mga taong gustong lumabas sa venue.

• Laging i-update ang pamilya o kaibigan – Bukod sa papawiin mo ang kanilang pag-aalala, makatutulong din na alam ng malalapit sa inyong buhay kung anong inyong ginagawa o nasaan na kayo bawat oras para alam nila kung saan maghahanap sakaling hindi ka nila makontak.

• Iwasan ang mga pagkain o binibigay ng iba – Kahit nakatatakam pa ang mga ibinibigay sa inyo, laging isipin na mayroong mga mapagsamantala na posibleng naglagay ng drugs o pampatulog na kapag inyong nakain o nainom ay makasasama sa inyong seguridad.

• Umiwas sa kumpol ng tao – Hangga’t maaari, dumistansya sa crowd kung saan posibleng magkaroon ng stampede na inyong ikapapahamak. Mas mabuti nang manood from afar kaysa madisgrasya

• Pumwesto malapit sa security officers – Ito ang pinakamahalagang tip para masiguro ang inyong kaligtasan, Laging alamin kung nasaan ang mga security officer ng event para sa oras na may masamang mangyari ay agad kayong makahihingi ng tulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?