39

Feb 17, 2020 @ 16:34
By

Paandar ni Eya alay kay Ate EJ

Iaalay ni UST ace spiker Eya Laure ang season ng UAAP para sa kanyang ate na si EJ.

Ngayong Season 82, muling magsasama ang dalawang Laure suot ang kanilang Golden Tigresses jersey.

“Siyempre ngayong kasama ko na ‘yung sister ko mas motivated ako and itong season na ito para sa kanya,” kwento ni Eya.

Matatandaan na dalawang season na lumiban si EJ dahil sa injury.

“Maglalaro ako sa loob ng court na kasama siya and ibibigay ko lagi ‘yung best ko kasi sobrang na-miss ko ‘yung ate ko,” sambit pa ng Season 81 Rookie of the Year.

“Itong season na ito para ito sa kanya and siyempre para sa UST and sa mga sumusuporta sa amin,” ani Eya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?