83

Sep 10, 2021 @ 15:14
By

Paalam modified: Quarantine level sa NCR 2 na lang – Palasyo

Naglabas ng bagong quarantine classification ang Palasyo para sa NCR ngayong Biyernes sa tangka nitong mapigil ang pagtaas ng COVID cases.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) na lamang ang magiging quarantine classification na ibababa ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ani Roque, ito ay kaugnay ng ‘provisional’ na pagpapatupad ng ‘alert level system’ sa NCR.

“Sang-ayon po dito sa policy shift na gagawin natin, 2 na lang po ang ating quarantine classification. Ito po ang ECQ na ipapataw po ng IATF o kaya di naman kaya ang GCQ,” wika ni Roque.

Sa ilalim ng alert level system, pinakamataas ang alert level 4, na kasalukuyan pa umanong pinaplantsa ang mga panuntunan ayon kay Roque.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, sa ilalim ng bagong quarantine classification ay mas mahigpit ang mga ipapatupad na granular lockdown kung saan mga medical personnel lamang ang maaaring lumabas.

“Pati po mga taong gobyerno o ‘yong mga nagtatrabaho ‘pag kayo po ay nasa ilalim ng localized lockdown, hindi kayo pupuwede lumabas,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?