77
dilg
May 7, 2019 @ 12:42
By

Paalala ng DILG sa mga botante: Pumili ng matino, mahusay, maaasahan

Ipinaalala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Mandaue City na pumili ng mga lider na ‘matino, mahusay, at maaasahan’.

Pinangunahan ng ahensya ang caravan nitong Martes (Mayo 7) ng umaga na layuning manawagan sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang mga boto at pumili nang maayos sa darating na eleksyon.

Ang naturang caravan na dinaluhan ng mga personnel ng DILG, lokal na kapulisan, Bureau of Fire Protection at ng partner non-government organizations (NGOs) ay isinagawa sa Mandaue City Cultural and Sports Complex dakong ala-7 ng umaga.

“It’s our advocacy against vote buying. First, we would like to remind our constituents nga di nato ipagamit atong vote para lang sa kadiyot o tulo kaadlaw nga kalipay. Atong hunahunaon ang importansya sa atong vote if mapakita gyud ug mapili gyud nato ang sakto nga mga opisales,” saad ng DILG-Mandaue City Director na si Jhoaden Lucero sa CDN Digital.

(Nais naming ipaalala sa aming mga constituents na wag nilang ibenta ang kanilang boto. Pahalagahan natin ang ating boto at siguruhin na pipiliin natin ang tamang tao para sa bawat posisyon.)

Nagbigay paalala rin si Police Colonel Julian Entoma, direktor ng Mandaue City Police Office (MCPO), na i-report ng publiko ang ano mang insidente ng vote-buying sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?