66
Paalala ng Comelec sa publiko: Overvoting iwasan!
By

Paalala ng Comelec sa publiko: Overvoting iwasan!

Ipinaalala ng Commission on Elections sa publiko na iwasan na mapasobra ang bilang ng mga dapat na iboto sa kada-posisyon sa darating na halalan.

“Nagkakaroon ng overvoting kung sosobra ka dun sa number of positions na dapat mong iboto,” saad ni Atty. Frances Arabe, Director of Education and Information ng Comelec.

“So for instance kung 12 ang senators, dapat hindi ka boboto ng 13. Kung mayor isa lang then hindi ka dapat mag-shade ng dalawang mayor,” dagdag pa nito.

Kapag nag-overvote umano ay maiinvalidate ang balota, saad ni Arabe sa isang interview sa DZMM.

Hindi tatanggapin ng machine ang mga balota na sobra-sobra ang boto.

Hinikayat din ni Arabe ang publiko na magdala ng listahan ng mga kandidatong nais iboto nang maiwasan ang overvoting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?