409

Sep 13, 2021 @ 17:01
By

Pa-kape ni mayor kinantiyawan ng netizens

Viral online ang pa-instant coffee ng isang alkalde sa Rizal.

Makikita sa post ng netizen na si Bea Fuggan ang instant coffee na may mukha ni Mayor Tom Hernandez at may nakasulat na Bayan ng Montalban 3 in 1 Not For Sale.

“Tsaka nyo na po kami yabangan pag si mayor na yung dahilan kung bakit kayo bumabangon sa araw araw,” caption ni Fuggan.

Pinagtripan ito ng mga netizen at mayroon nang 7.2K laughing emoji reactions at 6.6K shares sa Facebook.

Baquiran Carl: “Mga ganyang kape ang tinatapon dapat.”

Joseph Orinoco: “Hahahahaha kaya ayoko bumangon e.”

Jhay Sam: “Nakakaproud! Sa pilipinas lang may ganito!”

Angel Eunice: “Gising na gising na ba kau? Hhahaha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?