32

Feb 2, 2021 @ 11:17

Pa-cute ni Isko dedma sa misis

Sinabayan ni yorme ang pagkanta ng VST & Co. ng “Ikaw ang Aking Mahal.”

Habang umaawit, tinatapat ni Moreno ang camera sa kanyang asawa na si Diana Lynn Ditan-Domagoso, na na gumagamit ng cellphone nito.

“Ikaw lang ang aking mahal,” kanta ng alkalde sabay turo at lapit sa misis.

Makikitang nakatitig lang sa camera si Ditan-Domagoso hanggang matapos ang video.

“Yung nag-tiktok ka tapos dedma hahahaha #batangmaynila,” sabi ni Moreno sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?