189

Oct 28, 2021 @ 21:49
By

Pa-birthday ni Loisa kay Ronnie parang kasalan na

Tila wedding reception ang set-up ng surprise birthday party ni Loisa Andalio para sa nobyong si Ronnie Alonte.

Sa Instagram post, ibinahagi ng aktres ang ilang photo sa naturang party.

Dinaluhan ito ng ilan nilang mahal sa buhay at kaibigan, kabilang ang mga miyembro ng Hashtags.

“About last night. Happy birthday @iamr2alonte! I love you! Alam kong hindi mo gusto yung mga gantong celebration, pero SURPRISE! Alam kong nag enjoy ka. Thank you so much team sa pagtulong niyo po sakin!” sambit ni Loisa.

Nag-post din si Ronnie sa kanyang IG.

Sa November magse-celebrate sila ng fifth anniversary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?