60

Sep 15, 2020 @ 21:05
By

P9M asset ni ex-Manila VM Lacuna pinapasoli ng Sandiganbayan

Dinesisyunan ng Sandiganbayan na ill-gotten wealth ang P9M na asset ni dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna at asawa nito.

Sa nilabas na ruling ng nasabing korte, sinabi na kuwestiyonable ang halaga ng mga property ng mag-asawa na kanilang kinuha noong 1998 hanggang 2004 habang nakaupo pa si Lacuna bilang bise alkalde ng Maynila.

Malayo umano ang total asset na P20,707,168.85 sa pinagsamang sahod ng dalawa na aabot lang dapat sa P11,703,289.42.

“The difference of P9,003,879.42 is too large if the six-year period from 1998-2004 is to be considered. This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondents-spouses have the burden of rebutting the presumption,” ayon sa Sandiganbayan.

Dinahilan umano ng dalawa na ang kanilang mga ari-arian ay nakuha mula sa kanilang savings at mga loan, pati na rin umano ang palaisdaan na minana lang umano ng asawa ni Lacuna.

Hindi rin naging sapat na basehan para sa anti-graft court na tumestigo ang mga anak nila na tumutulong sila sa gastusin ng kanilang mga magulang.

“Accordingly, this Court declares the properties of the respondents-spouses Danilo and Melanie Lacuna, in the total amount of P9,003,879.42 million as unlawfully acquired and is hereby ordered forfeited in favor of the state,” ayon sa desisyon ng Sandiganbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?