35

Oct 14, 2021 @ 20:33
By

P980M sa agrikultura winasak ni ‘Maring’

Halos isang bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Maring sa agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), iniulat ang P979.97 milyong pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas at Central Visayas.

Nasa 35,429 magsasaka at mangingisda naman ang pinadapa ng pananalasa ni “Maring”.

Dahil dito, naglaan ang DA ng P822 milyong halaga para tulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda, P650 milyon nito ay para sa emergency loan nila.

Kada magsasaka at mangingisda ay maaaring makautang ng P20,000 nang walang interes at collateral.

Maaari nila itong bayaran hanggang sampung taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?