115
P95M, donasyon ng Lakas-CMD kay Revilla
By

P95M, donasyon ng Lakas-CMD kay Revilla

Tumataginting na P95 milyon ang isinalyang tulong pinansiyal ng Lakas-CMD para sa kampanya noon ni Ramon “Bong” Revilla Jr., para sa nakaraang 2019 senatorial race.

Batay sa isinumiteng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ni Revilla sa Commission on Elections (Comelec), lumitaw na pinakamalaki ang ibinigay na donasyon ng Lakas-CMD mula sa kabuuang P115.6-million contribution na tinanggap ni Revilla.

Bukod sa napakalaking bulto ng donasyon ng political party ni Revilla, tumanggap din ito ng P14.2 milyon at P5.52 milyong halaga ng cash at mga bagay na kontribusyon.

Nakasaad din sa SOCE ng nanalong senador na gumastos siya ng P6.37 milyon mula sa personal niyang pondo para maisulong ang kanyang kandidatura.

Sa kabuuan, gumastos ng P121.9 milyon si Revilla sa kanyang pangangampanya sa buong bansa na siyang nag-akyat para mapako siya sa ika-11 puwesto mula sa nakuha niyang 14.6 milyong boto.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, inabsuwelto ng Sandiganbayan si Revilla mula sa pagkakadawit niya sa P224 milyong plunder case dahil sa umano’y mga ghost beneficiary sa pork barrel funds ng mga mambabatas.

Tumakbo si Revilla sa ilalim ng administration coalition na Hugpong ng Pagbabago sa pamumuno ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?