46

By

P90K Christmas bonus, 13th month pay hindi bubuwisan

Sharing is caring!

Itataas na sa P90,000 ang pinagsama-samang halaga ng 13th month pay at mga bonus sa buong isang taon na hindi papatawan ng buwis.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, napagkasunduan na ito sa bicameral conference committee na dumidinig sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o tax reform bill.

Sa kasalukuyang batas na Republic Act 10563, hanggang P82,000 na bahagi ng 13th month pay at mga bonus ang exempted sa buwis.

Sinabi ni Angara na isa ito sa maituturing na breakthrough sa tax reform bill.

Pangunahin dito ang exemption sa buwis ng P250,000 mula sa annual income ng lahat ng mga manggagawa.

Sa TRAIN, itataas ang buwis sa petrolyo, sa mga inuming may asukal at sa sasakyan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?