363

By

P900M na, naging bato pa! Dilag 6/49 ang natayaan imbes na 6/58

Sharing is caring!

Nakuha ng isang babaeng mananaya ang six-digit winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot noong nakaraang linggo, ngunit sa matinding paglalaro ng tadhana, nabokya ito sa abot-kamay na sanang P900-M jackpot prize.

Sa Facebook post ni May Crisolo, pamangkin ng sana’y nanalo na si Marivic Reynon, hindi ito makapaniwala na natumpakan ang lahat ng numero na 01-12-27-30-36-49, ngunit sa 6/49 ito natayaan.

Ayon kay Crisolo, naguluhan daw ang kanyang pamangkin, na tumaya noong Oktubre 4 sa SM Megamall, ngunit ang araw ng bola sa 6/58 ay sa Oktubre 5, Biyernes.

Todo raw ang naging pag-iyak ni Reynon dahil sa panghihinayang noong makita ang six-digit number.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?