60

Oct 8, 2017 @ 17:12

P900M budget ng Oplan Tokhang, tanggalin na – Drilon

Maaring alisin na sa susunod na taon ang budget para sa Operation Tokhang kung hindi maipapaliwanag ng Philippine National Police kung saan ginamit ang pondong inilaan para dito.

Ito ang sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung saan nasabing pondo, P136 milyon ang napupunta sa intelligence fund ng PNP at sinasabing ginagamit diumano sa reward system ng kapulisan para sa war on drugs ng pamahalaan.

“Yung operation tokhang, ang source noon ay double barrel program at P900 million ang nakalagay doon. Sinasabi nila na P136 million nito ay intelligence fund at ang remaining ay operational fund,” sabi ni Drilon sa dzBB

“Ngayon, hihingin ko po ang detalye at dapat na sasailalim sa audit ito dahilan sa ito ay public funds. Saan po gagamitin ito? Ang mga chismis sa labas ay may mga reward system na nanggagaling dito,” dagdag pa nito

Kapag hindi umano naipaliwang ng pamunuan ang PNP kung saan ito napunta, may posibilidad na tanggalin ng lang ang ang alokasyong ito sa susunod na taon, 2018.

“Kung hindi po nila maipapaliwanag kung para saaan ito ay tungkulin ng senado na tanggalin itong allocation na ito for next year’s budget,”  ayon pa kay Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?