63

Nov 6, 2018 @ 14:12
By

P90 taas-buwis sa yosi gusto ng DOH

Itinutulak ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo para mapondohan ang Universal Health Care (UHC) bill.

Ibinahagi ni Health Sec. Francisco Duque, base sa Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, 67 porsiyento ang pabor na dagdagan pa ang buwis sa mga produktong-tabako.

“This means that 2 out of 3 Filipinos agree that cigarette taxes should be increased,” ani Duque.

Dagdag pa nito, hindi lang ang dagdag-pondo ang positibong mangyayari kapag tumaas ang buwis sa sigarilyo, kundi mababawasan na rin ang bilang ng mga naninigarilyo kaya’t mababawasan din ang mga nagkakasakit dahil sa naturang bisyo.

Tinataya na kapag itinaas sa P90 ang buwis sa isang kaha ng sigarilyo, isang milyong kaso ng pagkamatay dahil sa bisyo ang maiiwasan.

Kaugnay naman sa paglalaan ng pondo para sa UHC, sa unang taon ng pagpapatupad nito ay mangangailangan ng P257 bilyon pondo at sa umiiral na pondo ng gobyerno, may kulang na P164 bilyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?