6

May 3, 2021 @ 16:57
By

P9.8M halaga ng marijuana, nasabat sa Kalinga

Aabot sa P9.8 milyon halaga ng marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Kalinga.

Ayon sa mga pulis, ang unang operasyon ay naganap noong nakaraang linggo kung saan nakuha mula sa dalawang indibidwal ang 49 kilo ng marijuana.

Ang mga suspek ay kinilala bilang sina Carlos Banosa, 27, at Mylene Sola-og, 25, na parehas na residente ng Barangay San Pedro, Rizal, Kalinga. Ang dalawa ay nahuli sa Barangay Bulanao, Tabuk City.

Nagkakahalaga umano ng P5.88 milyon ang mga marijuana na nahuli sa dalawa.

Sabi ng mga pulis ay nakatakda umanong dalhin sa Quezon City ang mga marijuana.

Sa isa pang operasyon, aabot sa halos 20,000 halaman ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan.

Tinatayang nasa P4 milyon ang halaga ng mga marijuana, na nakatanim sa halos dalawang ektaryang lupain. Wala namang nahuli ang pulisya na nangangalaga sa naturang taniman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?