147

Mar 30, 2020 @ 7:06
By

P8K ayuda ng FDCP sa mga showbiz freelance worker

Aabot umano sa 2,000 showbiz freelancer ang apektado ng pinatupad na enhanced community quarantine, kaya para matulungan sila magbibigay umano ng tulong pinansyal ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa panayam ng PEP kay FDCP chairperson Liza Diño, sinabi nito na sa umano ng kanilang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) program layong matulungan ang mga dubber, sound mixer ng teleserye, audio-post production, utility, sound recordist, OB van driver, at truck driver, na no work no pay.

Sa unang bugso umano ng DEAR program, mabibigyan umano ng P8,000 sa bawat isang freelance worker ng TV at movie industry.

“Almost 2,000 na ang applicants. But iyong verified, nasa 50 as of Friday. Next week, magja-jump iyan to 800 because we are also dealing with service companies. Mga suppliers kung saan nagtratrabaho iyong freelancers. Wala sila sa payroll pero nasa listahan sila ng workers,” sabi ni Diño sa nasabing panayam.

Hinihikayat din umano ni Diño ang lahat na dumaan sa company application dahil kailangan na rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?